anak ng usapang komiks

Sunday, September 10, 2006

ANG NAKAKALITONG KOMENT NI MCCOY



Nasabi ko naman na bukas ang aking isip sa mga ibang opinyon na me sense. So far, sumang-ayon ako sa comment ni Artlink tungkol doon sa pagbabago ng dating circulation policy na "volume first, quality second". Di na ito uubra ngayon. Marami ring mga comment sa blog ni Randy na me sense tulad ng sinabi ni Manilaboy na kung di sinoportahan o kinonsinti ng mga manlilikha noon ang monopolyo ng mga Roces, hindi magkakaroon ng Monopolyo. (Pero kung gayon, kasapi na rin sila ng monopolyo). Marami pang iba.

Pero ang isa sa mga nabasa ko na medyo kailangan ng refinement e yung ke McCoy. Habang binabasa mo me mga inner self-contradictions e (parang ke Robby Villabona minsan). Example:

McCoy: "Business isn't just about finding large untapped markets. Its about profitability. You're in it for the money." -- Iisa iyon, kaibigang McCoy. Kaya ka nga naghahanap ng untapped markets para nga mauna ka magkaroon ng profit.

McCoy: "There are more poor people than rich people so let's all sell to the poor people." It makes no sense. YOU'RE FORCING FACTS TO FIT YOUR THEORY." --- Alam mo kaibigang McCoy, walang pumupwersang ipilit ang totoong nangyayari (facts) sa isang pagpapaliwanag sa mga nangyayari (theory). Nabasa mo yung article sa blog ni Prof. De ASIS sa blog ni Randy di ba? Me stagflation ngayon. Ibig sabihin 'nun, kahit na ibaba pa ng mga negosyante ang presyo ng mga bilihin nila kahit na mag-0% interest promo sila o mag-freebie, KOKONTI o WALA ang bibili dahil sa hirap ng buhay. Kailangan SAGARAN ang bagsak presyo para me bumili kaya nga patok na patok ang mga sale sa SM at 168 Dept. Store sa Divisoria. KAHIT YUNG MAYAYAMAN NA INCOME CLASS AB E NAGTITIPID AT VALUE CONSCIOUS NGAYON KAYA DOON ANG PUNTA NILA.

Halos 90% ng mga Pilipino ngayon ay nasa income class D at E na me pera ng P100.00 isang araw (o mas mababa pa).

Sa ganyang sitwasyon, sa ganyang FACTS, at WAG KANG LILIGAW SA KONTEXTO NG USAPAN DITO KUNG PAANO IBABANGON NG MALAWALAKAN ANG KOMIKS INDUSTRY, anong klaseng paliwanag ang ibibigay mo para makabenta ka ng komiks ngayon NA ME PROFIT? Sige nga, ikaw naman ang mag-isip. Kung sa tingin mo, hasty generalization ang nabigay ko, e ikaw naman ang magbigay ng alternatibo.

Gagawa ka ba ng "Quality" komiks tulad ng sinabi ni Artlink, na imported glossy pages, computerized color, ingles ang pananalita, mataas ang presyo, nasa P50 to P100 at kapirangot na 32 pages lang? Mga mini-comics na photocopy pero ganoon din ang presyo? Value conscious ngayon ang income class AB market, McCoy. FACT din na halos lahat sa kanila e "westernized" ang pag-iisip at tinatangkilik ang komiks ang dayuhan.

'"Forcing facts into your theory"? Alam mo, maging simpleng negosyante ganyan ang ginagawa. Natural yan sa tao na gumamit ng common sense. Naghahanap muna ng FACTS para masuportahan ang mga galaw nila. Naghahanap ng FACTS para masuportahan ang mga paliwanag sa mga nangyayari. Lalong-lalo na kung maglilimbag sila ng komiks o kung kukuha sila ng utang sa banko. Ang banko, di maglalabas ng pera kung di mo masuportahan ang business proposal mo ng SUPPORTING FACTS. Kung di facts, ano ang gagamitin mo? "FEELINGS"? Nothing more than..."feelings"?

Hindi lang self-contradictory statements, meron namang mga matalinhagang statements si McCoy na kailangan ng paliwanag. Tulad halimbawa nito:

McCoy: "...just because people buy newspapers it doesn't necessarily mean that they will also buy komiks. There's no data to support that claim." --- Ang mga dyaryo, lalong-lalo na tuwing linggo e me COMICS. At maniwala ka sa hindi, isa ito sa rason kung bakit bumibili ang ilang mga tao ng dyaryo. Dahil sa dyaryo, nabigyan ng publicity ang PUGAD BABOY.

Wala akong alam na kasalukuyang statistic na diretsong makapagsasabi na ang bumibili ng dyaryo ay diretsong bibili ng komiks. Pero kung ang komiks mo ay nakapresyo ng halos kapantay ng dyaryo, malawakang nadi-distribute tulad ng dyaryo, accessible tulad ng dyaryo, me quality pa, tulad ng nasabi ni Artlink, may malaking possibilidad na magtatagumpay ito. Bakit? Sapagkat iyan ang ginawa noon ng mga Roces. Case study yan. Circumstantial yan. Fact yan. Ang factual milieu natin, ika nga, ay halos ganoon din noong naghirap ang Pilipinas noong late 1970s at early to 1980s. Kung haluan mo lang ng "quality" na naaangkop sa panlasa ng iyong mga mambabasa na lower income at kakayahan ng manlilimbag, wala akong nakikitang dahilan para di ka magtagumpay.

Eto pa: McCoy: "In fact, you could say that tabloids pose a threat to komiks for display space at outlets as well as for the hard earned pesos of prospective buyers. Although there's no data to support that claim either."

Ikaw na rin ang tumama sa sarili mo McCoy. Wala ngang data para suportahan ang sinabi mo. Ano bang outlets ang tinutukoy mo? Medyo malawak ang "outlets" na sinasabi mo. Banketa ba? Filbars? ComicQuest? National Bookstore?

Sa mga "outlets" lang ba ang paraan para makabenta ka ng komiks? Hindi ba pwede ang pamamaraan ng koreo? Me oorder at babayad sa internet (o di kaya magpapadala ng order coupon na me kaakibat na postal money order) tapos ipapadala sa yo diretso ang komiks ng mailman?

McCoy: "To make money downmarket you need to do two things: keep markups high and sales volume high. There are no existing comics companies able to do that right now. Maybe in the future it can be done but why kick the dying horse?"

Ang tanong: bakit mo naman nasabing walang mga local comics companies ngayon na gumagawa niyan? Talagang wala pagkat halos lahat sila, kabaligtaran ang ginagawa at ang tina=target ang mayaman at westernized na audience: Mango, Psicom, Nautilus, Mga Indies, Summit, etc.

Hindi ko maintindihan ang punto dito ni McCoy. Dahil ba sa walang tumututok na gumawa ng komiks ngayon para sa lower income class, ang conclusion mo agad e: hindi profitable ang gumawa komiks para sa malaking market na ito? Sa local scene, case study ang dating negosyo ng mga Roces. Nagtagumpay sila. Di nga lang nagtagal dahil sa pagka-monopolyo nila.

Isa pa, ano itong sinasabi mo na para kumita ka ng pera, ang kailangan mo lang gawin e "keep your mark-ups high and sales volume high?" Ganyan ba sa mass publication? Ang "Bulgar" tabloid black and white at isang kulay lang ang ginagamit (pula). Matipid ang cost of production nito at di mataas ang presyo (P7.00) pero mataas ang sales volume. Mababa ang mark-up, mataas ang sales volume. Profitable pa. Ganyan din ang sa Precious Publications sa mga Tagalog Romance pocketbooks nila. Ang mga komiks ng Roces noong mga 1970s at 1980s, ganoon din. Tinipid ang production cost, mababa ang presyo na abot kaya ng lower income class, pero mataas ang sales volume kada linggo.

Eto, medyo walang basis ang sinabi dito ni McCoy: "You give the example of bestselling tabloids. Tabloid sales were healthy even during comics' heydey." Kung ang tinutukoy mo Mr. Drucker--este--McCoy, ay ang komiks heydey ng 1970s at 1980s, hindi gaano karami ang tabloid noon. Lalong-lalo na noong martial law kung saan kontrolado ng diktadura ang media. Bagkus, dahil limitado ang media options noon, nangibabaw ang mura at accessible KOMIKS.

Siguro noong mga bandang 1986 hanggang 1989, maari mong sabihin na maraming dyaryo at tabloid ang sumibol dahil sa EDSA revolution. Pero kahit noong panahong ito, TAGALOG KOMIKS pa rin ang numero unong media na tinatangkilik ng karamihang Pilipino. Hindi lang mga dyaryo noong mga panahong ito ang sumibol kundi mga bagong channel sa tv, at iba pang entertainment media. Kahit nagsidatingan ang mga ito, namunyagi pa rin ang Tagalog Komiks ng lower income class.

Pero noon 'yon e. Ibaling natin ang paningin natin sa ngayon. Karamihan ng audience mo, MAHIRAP. P100 isang araw. Ang mga komiks na naghahari ngayon ay para sa maliit at mayamang audience. Walang industriya. Ang tabloid ngayon ang pinakamalawak na PRINT MEDIA. Me binigay na proposisyon si Papa Randy na bakit hindi usyosohin ang TABLOID PHILOSOPHY sa paglimbag ng komiks. Baka makatulong ito sa pagbangon ng industriya. Me sense ang sinabi niya. Ang ganitong pananaw at istratehiya ang ginawa noong araw ng mga Roces. Sang-ayon ako at ang marami pang iba diyan tulad ni Tabloid boy, Kidlat Romantiko, Gener, etc. sa proposisyong ito. Heto't malaya naming isinasawalat ang damdamin at pag-iisip dito kasama na rin ang pagbibigay ng pagkukuro at pagpuna sa kasalukuyang kabaluktutang nakikita namin sa local comics scene ngayon.

Oo, sang-ayon akong walang pakialaman. Talagang walang pakialam ngayon ang mga manlilikha ng komiks sa paligid nila, at sa mga gawa nila. Para kang nakakita ng isang addict na gumagamit ng illegal na droga na kapag binigyan mo lang ng simpleng puna na baka maapektuhan ang pag-iisip niya kung sumobra, mago-o.a. ito at magsisisigaw na karapatan daw nila iyon; WALANG PAKIALAMANAN. Kung sabihin mo namang me karapatang kang maghayag ng opinyon at puna, tatawagin kang diktador na pinipilit ang gusto mo. Weird no?

"McCoy: Magnate ka ba?" Ipagpalagay na nating hindi ako magnate. Magnate lang ba ang ang me karapatang mag-isip at magbigay ng puna na nawawari sa negosyo? Kung oo, bakit hindi mga magnate tulad nina Gokongwei, Tan, o Sy ang nakikita mong mga business column writer sa dyaryo o sa T.V.? Ibig mong sabihin mas papaniwalaan mo ang sinasabi ng isang magnate? Kung halimabawa sabihin ng magnate, si Henry Sy, na i-annex na lang ang Pilipinas sa mainland China o U.S. para umasenso ang ekonomiya, tama na ba yon? Kakagatin mo ito, hook line and sinker? Ganoon ka ba ka-gullible? Wala ka na bang kakayahang mag-isip ng mag-isa at umaasa ka sa iba para mag-isip para sa iyo? Sa lokal comics ganyan ang nangyayari ngayon. Ang mga manlilikha ngayon umaasa sa mga gawang abroad para makalikha ng komiks nila dito tapos tatawagin nilang "radical" at gawang "auteur".

Pero kung baligtarin natin. Kung sa 'yo ko naman itanong yan. Ikaw ba e magnate ng kasalukyang AMBOY at ANIME inspired komiks? Me pruweba ka bang naging matagumpay sila at nagkaroon ba ng industriya ngayon dahil sa istratehiya nilang pagtutok sa lasa at pihikan ang westernized income class AB audience? Sabihin mo sa akin ang mga local komiks na nagawa mo ngayon, at ituturo ko sa 'yo ang North Cemetery.

McCoy: "Oo nga marami kang statistics at kung ano pang alam, pero puro hasty generalizations ang matutumbok mo sa mga iyon." Specify. Anong mga "hasty generalizations" ang ginawa ko base sa mga datum na ginamit kong base? Baka ikaw ang gumagawa ng "hasty generalization" sa malawak mong akusasyon, kaibigang McCoy.

3 Comments:

  • Hehehe..Kunting tono na lang at medyo maganda na ng tono ng argumento ninyo.

    May mga tamang punto si McCoy at
    gayundin kayo.Lalo na ang tabloid Philosophy ni Randy.

    Gaya ng sinabi ko, di mo pa rin talaga masisi ang mga kasalukuyang creators dahil halos tama rin lahat ng kanilang rason.
    Lahat tayo ay may kanya kanyang pananaw..Sana kahit paano bigyan mo muna sila ng benefit of the doubt kung sa tingin mo mali sila.Malay mo, dadating ang tamang panahon para sa sinasabi mong malawakang industriya na tutumututok sa lower income..

    Sa kasalukuyan, bakit di tayo mag usap kung saan pwede tayo mag kaisa at magkasundo?Hayaan natin muna ang pagkakaiba ng pananaw natin at mag usap kung saan di tayo nagbabangayan o nag aaway?
    Halimbawa nalang, PAANO NATIN GAWING "DEMAND" uli ang komiks?Mapa English o Tagalog , Mapamahal man o mura? Paano natin itataas ang promotional aspect nito? Kasi pag dating sa advertising/promotions, di na masyado minamarket ang price o alinpaman kundi ang quality/function na nito.Paano natin uli kukunin ang attensyon ng taong bayan para iconsume ang produkto nating komiks? Let us not set boundaries..Bigyan natin tutok kung paano natin mamotivate uli ang tao..paunti -unti..hindi biglaan kasi tinitingnan natin ang economic condition ng bansa natin at iba pang factors.

    Kasi tayong mga nag uusap dito ang mga nakakakita ng kasalukuyang estado ng industriya ng komiks na matagal ng nahimlay.
    Kung palagi tayo nag aaway at di nagkakaisa, Paano mabubuhay ang pag asang muli tayong babangon?
    Pag tinigilan natin ang pagsisiraan, magkakaroon tayo ng tamang diskusyon na magbibigay ng "learnings" sa bawat isa sa atin.Respeto ang pinakaimportanteng term rin dito.
    Kung may argumento man tayo, let us convince everyone and not provoke someone.

    Katulad ng Industriya ng Musika at Alternatibong Banda sa Pilipinas, Di ba bumangon sila uli? Sumulpot ang Hale, Queshe at iba pang Band Names, na hindi naging hadlang ang pagagamit ng language at saka presyo ng kanta nila pero pumatok sa taong bayan dahil sa quality na naproject nitong music nila.Nabuhay uli ang Music na gawang Filipino.

    Ang Taste ng mga kababayan natin ngayon ay medyo nag iba na ,kaya masusi nating pag aralan ito.pwede nating gamitin ang nakalipas na hindi nag cocompromise sa kasalukayan.Sana naiintindihan nyo ito.

    Kung merong publisher na kakapital dito sa sinasabi nyo, mas maganda..pero parang sa ngayon isolated pa yan.Tulad ng Siklab Magazine at Culture Crash na nahirapan ring abutin ang surival ng publication dahil sa maraming factors.

    Yong pagpalabas ng ABS CBN ng "KOMIKS" ay magandang opportunity sa atin kahit sa tingin ko ang side effect nito sa auidence ay parang talagang "classical" na lang ang komiks...Pero sapat na yon para mag bigay awareness.Grab natin.
    Gaunun din ang style ng GMA.Based rin lahat sa Komiks at Movies.

    By Blogger ARTLINK STUDIOS, at September 12, 2006  

  • okey, pumunta ako sa blog mo para basahin yung sagot mo. ngayon ikaw naman ang pumunta sa blog ko para basahin din ang sagot ko:

    http://mcoy.blogspot.com/

    By Blogger mcoy, at September 13, 2006  

  • isang malayang talakayan talaga dito at tamang tama ito habang papalapit ang komikon dahil na ramble ang mangyayari, just imagine na may bigla na lang sasapak kay gerry o bigla nalang manununtok si gerry ng inaakala nyang kaaway nya sa araw ng komikon. hala abangan na lang ang mga susunod na pangyayari.

    By Anonymous suntukannalangsakomikon, at September 13, 2006  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home