anak ng usapang komiks

Friday, September 22, 2006

CONVENIENCE LEADS TO EXPENDITURE

Pag sinabi mong "convenience" ang ibig sabihin ay kung kailangan mo agad ang isang bagay, madali mo ito nakukuha. At dahil nga sa madali mo ito nakukuha, hindi masakit na maglabas ka ng pera. Ang komiks-magasin noon ng mga Roces ay ganoon. Kahit newsprint ang papel, nasa murang presyo na abot-kaya ng lower-income socio-economic target market nila.

Madali rin itong makuha sapagkat ang mga komiks-magasin nila lumalabas kada linggo at nakikita sa anumang lugar: sa terminal ng bus, baby bus, jeepney stop, university belt, carinderia, linalako ng mga newsboy, sa palengke at lalong-lalong na noon sa banketa o tabing kalsada. Naaarkila pa sa murang halaga.

Dahil dito, lumawak ang kanilang mambabasa; naging MASS MEDIUM. At dahil naging mass medium na dinaig ang pelikula, telebisyon, dyaryo at radyo noong 1970s at 1980s, napansin ito ng mga advertiser kaya diyan nila nilalagay ang mga ads nila; mga produktong tinatangkilik ng lower income: mga pelikulang tagalog ng paboritong Pilipinong artista, mantika, gamot, alak, sigarilyo, etc.

Sa kasalukuyan, hindi ganyan ang nangyayari. Ang mga komiks ngayon, gaya ng sinabi ko, ay pamburgis na at ang salita, tulad ng sinabi ni Gerry Alanguilan, ay "global" na o "Ingles". Konti ng nililimbag nilang mga kopya, mga 3,000 hanggang 30,000, dahil sa napakataas ng kanilang production cost.

Bakit mataas? Sapagkat mas binibigyan ng di kaukulang importansya o overkill, ang "high artistic standards" na dapat daw mataas na uri ng papel ang gamitin, mamahaling computer coloring at sistema ang i-apply, at dapat mataas ang bayad sa mga comics artist lalong-lalo na kung nakagawa sila sa abroad o dili kaya ay nakakuha ng award sa abroad. Lopsided ngayon ang paggawa ng komiks na mas binibigyan ng pabor ang taste ng mga westernized "artist". Walang pumilit sa mga komikero ngayon na gawin ito. Malaya nilang PINILI ang landas na ito. Ikinatutuwa at ipinagmamalaki pa nila.

Dahil sa mataas ang production cost, mataas din ang presyo na di abot ng mas maraming mahihirap na Pilipino ngayon ang mga komiks ngayon. Kaya ang primary market ng mga komiks na ito ay ang mayayamang burgis na karamihan ay nasa urban areas lalong-lalo na sa Metro Manila: mula Valenzuela hanggang Muntinlupa.

Siyempre, dahil sa ang target ng mga komiks ngayon (lalong-lalo na ang mga ibang "indies") ay ang maperang burgis, ang tema, pananalita at laman ng mga komiks nila ay pamburgis din. At ano naman ang panlasa at hilig ng maperang burgis? Walang iba kundi ang pang-masang media ng Amerika at cartoons ng Hapon.

Pero ang nakakapagtaka, kahit na gayon ang kanilang ginagawa na ibang-iba sa nagdaan, ang kanilang lantarang panggagaya sa kultura at media ng ibang bansa, malinaw na di ito tinatangkilik ng maraming lower income at upper income na mga Pilipino, lalong-lalo na ng burgis nilang target audience. Dahil dito, ang kilusan ng kasalukuyang komiks ay isang "kulto" o "sub-culture". Hindi maintindihan, hindi maunawaan, hindi pasok sa budget, hindi lagian ang labas, at hindi madaling hanapin. Wala sila sa langit o impiyerno. Bagkus, nasa kalagitnaan sila: purgatory o limbo.

Kaya para makapukaw ng pansin ang mga "komikerong" ito, gumagawa sila ng sari-saring gimik tulad halimbawa ng pagtatag ng isang KOMIKON at ang pagbibigay ng mga kaduda-dudang mga "award". Ang kanilang mga komiks ay matagal na naka-display sa mga bookstores na puntahan ng mga mayayaman na di naman nabibili. Dahil dito, iniisnab sila ng mga advertiser.

Convenience leads to expenditure. "Convenient" ba ngayon para bumili ka ng Lastikman? Darna? Neo-Comics? Mythology Class? Basted? Fantasya? Mango Jam? Mwahaha? Kai? Maskarado? Elmer? ETC.

Hindi di ba?

8 Comments:

  • Sana binabasa ninyo itong mga comment na ito at sana sagutin ninyo.

    1. Ang komiks po ba ay para sa mahihirap lamang? Sila lang ba ang may karapatan magbasa ng komiks?

    2. Masama ba na may komiks na medyo mahal? Kung oo, edi masama na ang lahat ng mahal. Masama ang magpagawa ng bahay. Masama ang cellphone. Masama sumakay ng eroplano. Masama ang mga kotse. Masama ang mga aklat. Masama ang mga DVD. Masama ang mga TV. Masama ang mga CD player. Pero TEKA. Ang mga masa meron namang mga ganyan a. May mga TV sila. May pambili ng load at cellphone. May mga DVD. Ang iba may mga sasakyan. Kung yun kaya nila bilhin, komiks pa kaya?

    3. Masama ba na mag aspirang pagandahin ang kalidad ng komiks? Lalong lalo na kung mapapansin ninyo na ang mga komiks na lumalabas noon bago ito namatay ay lahat mga pangit. Pangit ang papel. Pangit ang mga kwento. Pangit ang mga drawing. Yun ba ang gusto ninyo? Mura nga ang komiks noong araw. Magkano? Sampu, kinse, pesos bago nagsara ang mga kumpanya? Tingnan mo naman ang kalidad. PANGIT. At dahil PANGIT, wala ring bumili, at nagsara din ang mga kumpanya. Saan ka pupulutin ngayon nyan?

    Munting history lesson para sa inyo, baka hindi ninyo alam. Ang unang publisher ng komiks ay nagsara pagkatapos ng sampung isyo lamang ng Halakhak Komiks. Bakit? Wala silang established na circulation, hindi tulad ni Tony Velasquez na napagsamantalahan nya ang circulation ng mga ROCES na naging matagumapay sa kanilang publishing business, hindi dahil sa komiks, kundi sa mga magazine.

    By Anonymous Ben G, at September 22, 2006  

  • Kung magsalita ka parang kasamaan ang kumita. Lahat ng tao gusto kumita at maghanapbuhay. Ang mga bata na ito naghahanapbuhay. Pati ikaw naghahanapbuhay kasi may pera ka panggastos sa pagdudutdut sa keyboard na yan at gumawa ng blogs. Saan mo kinukuha yang pang gastos na yan kundi sa hanapbuhay? Alangan namang pumapasok ka sa kung saan pinapasukan mo ng walang bayad. Karapatan ng kahit sino na kumita sa trabaho nila. Pati mga mga masa na mahal na mahal mo gugustuhin nilang kumita kung anong trabaho ang mapili nila.

    Wala nang mura ngayon. Lahat mahal na. Bakit mo pipiliting gawing mura ang komiks kung hindi na kaya ng ekonomiya pamurahin ito? Bakit mo pinipilit na hindi pagandahin ang kalidad ng komiks? Hindi mo ba nalalaman na ang gaganda ng papel at full color ang maraming komiks noong araw? Nagagawa nilang mura yon dahil maganda pa ang ekonomiya noon. Kung papantayan mo ang kalidad ng komiks nila noong araw ngayon, hindi mo yan makukuha ng mura.

    Posible pa rin sigurong magkaroon ng mga murang komiks. Kailangan mo lang ng isang malaking publisher na may malaking kapital na may may handang pangmalawakang sirkulasyon.

    Bakit mo hinahanap yan sa mga batang yan na magisa lang gumagawa ng komiks? Kung sino man ang may guts dito, sila yon. Kasi sila ang kumilos. Ikaw hanggang batikos ka lang. Sana magkaguts ka rin kumilos.

    By Anonymous Anonymous, at September 22, 2006  

  • Pare, gusto mong mabura sila sa balat ng lupa? Gumawa ka ng komiks ng sarili mo. Kung alam mo talaga ang ginagawa mo, at naniniwala ka na talagang patok ang mga idea mo, maglabas ka ng komiks mo at ipakita mo sa mga komikero na ito kung paano ba talaga gumawa ng tunay na komiks! Hindi mo makukuha ang gusto mo sa pagpopost lang sa internet. Ilabas mo yan, gandahan mo, at sigurado ako wala nang babasa ng "komiks" kanila! Hinintayin ko yan, pare ko! Huwag mo akong biguin.

    RAMON

    By Anonymous Anonymous, at September 23, 2006  

  • matagal ko na rin sinusubaybayan itong talakayang ito at yung magkabilang banda ay may kanya-kanyang punto na pwedeng sang-ayon ako.

    pero sa aking opinyon lang, di ako taga-komiks pero mahilig ako tumingin ng komiks/comics, kaya ang mas gusto kong bilhing komiks/comics e yung may magandang drawing, yun ang unang nakakatawag ng aking pansin. syempre lahat tayo gustong makabili ng mura, para sulit, pero nakikita ko rin kung bakit medyo di pwede gawin ng side ng mga komikero dahil negosyo din ito, gusto rin nila kahit paano e kumita ang pinagpaguran. baka kasi ang mangyari e, kung mamadaliin mo ang drawing at lalabas na kapangit ng artwork, tapos ibenta mo ng mura e tingin ko hindi pa din papatok sa masa dahil ang masa ngayon e isang kahig isang tuka (kung yun ang deskripson natin sa masa). tingin ko wala nang magbabasa ng komiks mula sa masa pwera na lang kong libre, dahil imbes magbasa e mas gugustuhin pa nila manood na lang ng tv.

    By Anonymous mayamang intsik, at September 24, 2006  

  • Comment ke Anonymous ng Sept. 22, 2006.

    Tsong (o Tsang)alam mo, kahit mahirap ang ekonomiya, ang dating mahal ginagawang mura para mabenta. Nakapunta ka na ba sa sari-sari store? Ang mga shampoo at toothpaste ng proctor and gamble ay nabebenta doon na tiki-tiki sa SACHET na me P5.00 hanggang P10.00 lang. Ganoon din ang mga nagkalat na pirated DVD at VCD na sa Quiapo e Php 40 pero kung pupunta ka sa high society na lugar tulad ng Greenhills, or MRT Shangrila, Makati Cinema Square, Php 70. Yung mga mamahaling "Double Dutch" Premium ice cream ng Selecta na Php 230 sa 1/2 gallon, pinaliit, ginawang ice-cream candy na mabebenta sa 7-11 na P12 lang. Sa Divisoria, ang mga laruan, gamit pambahay, etc. at ang mga 15-30 sale sa SM bumababa ang presyo. Yung mga nagsusulputang mumurahin at gawang China na "I-Pod" na mabibili ng mura sa banketa.

    Marami pang ibang halimbawa ngayon sa paligid natin ang makikita mo buksan mo lang ang mata mo, kung saan ang kalidad ng isang produkto ay pinananatili ng kapitalista at ang presyo ay binababa para mabenta ito ng mas nakararaming tao. Dahil doon, me kita. Me industriya.

    E sa mga komiks nyong mga komikero, baligtad. Ipagpalagay na nating mataas ang kalidad (eyes roll) di naman maabot sa budget ng mas maraming tao. Mga kokonting kauri nyo lang ang bumibili ng komiks nyo.

    Isa pa, masasabi mo bang de kalidad ang gaya-gaya sa komiks at media ng ibang bansa? Sa pangongopya siguro masasabi mong mataas ang kalidad pero sa originality at novelty....alam mo na ang sagot diyan. :)

    Hindi naman kailangan ang super mamahalin na glossy na papel makagawa ka ng disente, matino at magandang drawing sa komiks a. Ere lang yan ng mga ma-ego na mga komikero at komiks collector na bading.

    Sa hirap ng panahon ngayon kailangan praktikal ka. Ibaba mo ang production cost na di kino-kompromiso ang kalidad ng pagsusulat at pagdibuho. Me mga newsprint naman na disente a. Wala namang problema ang black and white a. Manga ng hapon black and white pero ang ganda. Abot kaya pa ng marami sa Japan.

    Bakit mo nasabing maganda ang ekomiya noon kaya full color ang mga komiks? Tinutukoy mo ba ang 1950s at 1960s? Full color ba ang karamihan sa mga komiks noon? Baka cover lang.

    Ang tinutukoy mo ba ay ang 1970s? Noong martial law? Sa tingin mo maganda ang ekonomiya noon? HAHAHAHA. Langya. Maganda pala ang oil crisis, bank fraud, pagtaas ng foreign exchange laban sa dolyar at inflation noong panahon ni Macoy.

    Noong 1980s kaya? Noong pinatay si Ninoy, maganda ang ekonomiya? Yung mga coupd'etat noong panahon ni Cory, mula 1986 hanggang 1991? Maganda ang ekonomiya? Laging nagba-brownout tapos meron pang daylight saving time? Noong mga panahong ito na "maganda" ang ekonomiya, lumawak ang komiks dahil nagawa ng mga Roces na ibaba ang production nila at ibenta ang komiks sa lower income sa abot-kayang halaga.

    Kung ang komiks noong 1975-1980 e me mga P1.75 hanggang P2.75, ang imported U.S. comics noon e nasa P14 hanggang P20. Pilipinas ba ang tinutukoy mo nang sinabi mo na maganda noon ang ekonomiya ng Pilipinas?

    Sa panahon ngayon ng digital printing, me mga naiimbentong murang halaga ng pagpapaimprenta. Me mga teknolohiya rin galing pa sa INDIA kung paano gumamit ng murang makinarya para makatipid sa imprenta at ink. Maniwala ka sa hindi, di kailangan ang malaking capital dito.

    Ang kapitalistang seryosong papasok sa komiks ay dapat nakatuon sa mga naglalabasang cost-effective na teknolohiyang ito.

    Ang nakapagtataka, hindi ito ginagawa ng mga mayayaman at ma-ereng komikero pagkat wala sa bokabularyo nila ang science and technology. Ang alam lang nila, tsismis at panay "art" speculation. Punta ka sa PKMB ni Alanguilan.

    Magaganda ang komiks noong araw? Well, quality is subjective o relative, ika nga. Kung sa tingin mo e maganda noon ang kalidad sa newsprint, bow ako sa yo. Kaya naman itong gawin. Mayayaman ang mga komikero at me mga talino (?) pero bakit di nila ginagawa? Simple. Nagpapataasan ng ihi. Pataasan ng pride. Kinakamot ang kati na dating di magawa daw noon nang nasa pa GASI sila, atbp pang mabababaw na dahilan ng mga bohemyong "artist".

    Sa panahon ngayon kung saan nagagawa ng teknolohiya na mapamura ang means of production, malaking question mark na ang proposisyon na kailangan mo ng malaking publisher at dapat napakalawak ng sirkulasyon mo KUNG SISIMULA KA. Primitive thinking yan. At palagay ko, di inaasahan o hinahanap ni Oldtimer sa mga nagso-solong mga totoy na gumagawa ng komiks na maiintindihan ang kalakalan dito. E, hindi naman negosyo ang turing nila dito kundi HOBBY kaya hanggang ngayon, bagsak ang industriya. Kung me guts sila, kung me talino sila, ba't di nila seryosohin ang ginagawa nila? Ba't hanggang ngayon, di pa sila lumalaki at laging isip-bata? Yan ang tanong.

    By Anonymous Kenkoy Velasquez, at September 25, 2006  

  • Pare, ako gagawin ko suggestion mo. Kung susustentahan mo ko ng pera ako ang gagawa ng komiks. Mapera ang mga komikero kaya pwede nilang sayangin ang pera nila sa pagkamot lang ng kati nila. Ano, call ka?

    By Anonymous Anonymous, at September 26, 2006  

  • Kaya naman gumawa ng murang komiks na me madetalye at mahusay na drawing tulad ng nakikita natin sa mga komiks ng kano at hapon.

    Ang problema ay ang kasalukuyang paniniwala at pag-iisip ng ilan sa mga komikero. Kung mura ang bayad, mura din ang tipo ng drawing: parang minadali. Pero kung mahal ang bayad, diyos ko, simbilis pa sa alas kwatro ang mga yan kung gumawa ng super detalyado na drawing. Maniwala ka. Pera ang katapat ng mga yan.

    Ngayon, kung praktikal kang magpa-publish ng lokal at mumurahing komiks, mga ganyan ba ang kukunin mong artist at writer? Di ba ang kukunin mo e yung mga me malasakit sa kanilang sining at di mapera? Di ba ang kukunin mo e yung long-range ang pananaw at pag-iisip? Bigyan lang sila ng tamang incentive tulad ng pagrespeto sa kanilang copyright at ang pagturing sa kanila bilang mga ka-partner sa trabaho, at natitiyak ko di nila babaratin ang gawa nila.

    Pwede namang bago mo i-publish ang murang lokal komiks mo, e pinagagawa mo na ng mga 3 o 5 advance issues nang di minamadali ang mga artist. Pag natapos na ito, at nailimbag mo na ang una, me panahon ka pang mag-isip at pagandahin ang ika-apat o ika-limang isyu.

    Kung sa tingin mo walang babasa ng ganito, palagay ko opinyon mo lang 'yon. Ako nakikita ko tuwing dumadaan ako sa booksale, me mga bumibili ng imported na american comics na several months old na nasa P35 lang. Meron pa nga sa National, yung mga lumang U.S. comics ng 1990s (Spawn ni McFarlane, Superman ni Jurgens, etc.) e nasa P15. Pag punta mo pa nga dito sa Antipolo me makikita ka pa ngang mga lumang Heavy Metal na binibenta lang sa P50. Me mga bumibili nito. Paano pa kaya kung maayos, matino at orihinal na lokal komiks na mura pa? Regular and labas at sing-presyo pa ng dyaryo?

    By Anonymous Kawawang Pinoy to Mayamang Intsik, at September 26, 2006  

  • Komikeros need to have a more "in depth" knowledge not only of their Komiks history but of themselves as well.

    By Anonymous Jervic Santos, at October 23, 2006  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home