anak ng usapang komiks

Friday, September 08, 2006

May dapat bang ikatakot si Randy para i-censor ang LAHAT ng mga nagpo-post ng comments sa blog niya?

Palagay ko ay overkill ang nangyari. Natakot kasi si Randy sa mga pinagsasasabi ng mga burgis ng maka-komiks tulad ni Robby Villabona na kung itutuloy niya ang malayang talakayan ay maari siyang maging "complicit" o madawit sa libel na pananalita ng ibang mga nagpo-post ng comment. Lalong lalo na sa mga comment ni Tunay na Pinoy laban ke Manilaboy. Ang tanong ko lang, paano ba exactly madadawit si Randy sa Libel? Hindi ito naisplika ng mabuti ni Robby.

4 Comments:

  • Hallelujah! Ok ka tol! He he. Pero teka, ano to? Bakit dapat ma-approve mo muna ang mga comments bago i-post?

    AAAAA. Mukhang me catch to a. Explain

    By Anonymous Dios Ama, at September 08, 2006  

  • Ok ito. Nangibabaw nanaman ang mga komikero at anime at blog ni Randy. Pero di bale. Meron pa ring ANAK na masasalingan.

    More power ANAK!

    By Anonymous Maskara sa Arenola, at September 09, 2006  

  • hindi naman ako natatakot dun sa libel issue na yan. ok lang na kasuhan ako kung talagang mali ang sinabi ko. ang sa kin lang e masyado nang below d belt yung banat kay manilaboy. nirerespeto ko yung tao bilang senior ko sa komiks. at wala akong pakialam kung ano ang trabaho niya sa ibang bansa. ayokong isipin ng mga visitors sa blog ko na pinapabayaan ko lang ang ganitong paninira kahit wala na sa mismong komiks ang pinag-uusapan. ok lang sa akin na magmurahan kayo ng magmurahan, kahit maghamunan pa kayong patayan, basta tungkol lang sa komiks.

    sya nga pala, tanggalin mo na rin ang word verification para madaling makapag-post. sagabal pa yan para mapabilis ang pagpo-post.

    By Blogger Randy P. Valiente, at September 13, 2006  

  • Walang problema! Tatanggalin ko ang word verification kung tatanggalin rin ang word verification sa "ussapang-komiks.blogpsot.com".Dapat quid pro quo. Deal?

    By Anonymous oldtimerkomiksveteran2, at September 22, 2006  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home